14-anyos binigti, isinako

CAVITE, Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 14-anyos na tinedyer makaraang bigtihin at isako bago inabandona sa liblib na bahagi ng Barangay San Agustin 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Bandang alas-8:20 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Reynan Alvarez na may masking tape sa mukha at binigti ng alambre. Ayon kay PO2 Michael Santos, huling namataang buhay ang biktima na nanghuhuli ng gagamba kasama ang kanyang mga pinsang sina Antonio Peniano at Ivan Alvarez sa bisinidad ng Greenbreeze Subd. sa Barangay Langkaan 2 sa nasabing lungsod. May teorya ang pulisya na napagkamalang magnanakaw ang binatilyo kaya pinatay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments