^

Probinsiya

2 killer ng misis ng ex-NBI agent, tiklo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng notoryus na Ampang Colangco robbery gang na wanted sa ambush-slay ng misis ng kontrobersyal na si ex-NBI agent Martin Soriano ang nasakote ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa isinagawang operasyon sa Barangay Caticlan sa bayan ng Malay, Aklan kamakalawa.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao ang mga suspek na sina Franciso Gumanay alyas Cocoy Gumanay ng Fairview, Quezon City at John Carl Guevarra, 30, ng Bonifacio, Misamis Occidental.

Ang dalawa na isinasangkot sa pagpatay kay Rhea Soriano, misis ni NBI agent Soriano noong Mayo 2011 sa bisinidad ng Bicutan, Taguig City ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte gayundin kaugnay ng pinalakas na operasyon ng PNP-CIDG laban sa lahat ng mga wanted sa batas.

Ang insidente ay naganap ilang oras matapos bisitahin ni Rhea ang mister nitong si Soriano na nakakulong sa kasong kidnapping at 2 counts ng robbery sa detention cell sa Camp Bagong Diwa.

Nasamsam mula kay Sablacino ang cal.45 pistol na may 7-bala at isang Toyota Innova (ZBH-131) na gamit sa kanilang illegal na operasyon.

AMPANG COLANGCO

BARANGAY CATICLAN

CAMP BAGONG DIWA

CHIEF P

COCOY GUMANAY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR SAMUEL PAGDILAO

FRANCISO GUMANAY

JOHN CARL GUEVARRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with