^

Probinsiya

Truck vs water tank: 1 dedo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isa katao ang kumpirmadong nasawi habang pito pa ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang truck at water tank ng Leyte Metropolitan Water District (LMWD) sa kahabaan ng Maharlika highway ng Brgy. Abucay, Tacloban City nitong Biyernes ng gabi. Ang biktimang si  Richard Tolibas , residente ng Pastrana, Leyte ay idineklarang dead-on-arrival sa Eastern Visayas Regional Medical Center. Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 7 pang biktima na pawang nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kinilalang sina Marlon Devaras, Elvis Astorga,  Alvin Real, Enrique Torebio, Catherine Pelenio, Gretchen Suarez at Kenneth Caidic. Ayon kay Tacloban City Police Director P/Sr. Supt. Wilson Caubat, bandang alas-9:15 ng gabi habang bumabagtas sa lugar ang Fuso canter cargo truck (YAS-376) na minamaneho ni Rommel Gutierrez, 21, ng Janika Food Center na pag-aari ng negosyanteng si Robert  Gosyco nang banggain ito ng Isuzu forwarder water tank (XBF-825 na minamaneho naman ni Brian Dave Reposar, 32-anyos. Ang mga biktima ay pawang manggagawa sa naturang food chain. Inaresto naman ng pulisya ang driver ng water tank na nakapiit ngayon sa detention cell ng Tacloban City Jail. 

ALVIN REAL

BRIAN DAVE REPOSAR

CATHERINE PELENIO

EASTERN VISAYAS REGIONAL MEDICAL CENTER

ELVIS ASTORGA

ENRIQUE TOREBIO

GRETCHEN SUAREZ

JANIKA FOOD CENTER

KENNETH CAIDIC

LEYTE METROPOLITAN WATER DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with