^

Probinsiya

Maguindanao massacre suspect tiklo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isa pang suspek sa malagim na Maguindanao massacre na kumitil ng buhay ng 57 katao kabilang ang 32 mediamen noong Nobyembre 2009 ang nasakote ng mga awtoridad sa operasyon sa Brgy. Buayan, General Santos City kamakalawa. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, kinilala ang nasakoteng suspek na si Fahad Utto alyas Richard Gofel, isa sa mga wanted na miyembro ng Civilian Volunteer Organization (CVO) na dawit sa Maguindanao massacre. Bandang alas-6 ng umaga ng masakote ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 12 at ng Police Regional Office (PRO) 12 ang suspek sa nasabing lugar. Isinailalim na sa kustodya ng 12th Regional Criminal Investigation and Detection Unit Office ang nasakoteng suspek para sa kaukulang interogasyon. Sa tala sa kabuuang 195 akusado sa Maguindanao massacre, 95 na ang nasakote habang patuloy pang pinaghahanap ang nasa 101 pang mga suspek.

BANDANG

CAMP CRAME

CIVILIAN VOLUNTEER ORGANIZATION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FAHAD UTTO

GENERAL SANTOS CITY

MAGUINDANAO

POLICE REGIONAL OFFICE

REGIONAL CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT OFFICE

RICHARD GOFEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with