^

Probinsiya

Ex-vice mayor tiklo sa illegal possession of firearm

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga awtoridad ang isang dating bise alkalde matapos na masamsaman ito ng mga baril at bala na walang lisensya sa operasyon sa bayan ng Talugtog, Nueva Ecija kamakalawa.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. ang nasakoteng suspek na si  dating Vice Mayor Floro Pagaduan, residente ng Brgy. Cabiangan, Talugtog ng lalawigang ito.

Bandang alas-6:30 ng umaga ng masakote ng pi­nagsanib na elemento ng Police Intelligence Bureau (PIB) at Nueva Ecija Provincial Police Office (PPO) sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Ismael Casabar ng 3rd Judicial Region ng Regional Trial Court (RTC) Branch 33 ng Guimba , Nueva Ecija sa kasong illegal firearms and ammunition.

Nakumpiska rito ang isang M16 rifle na walang lisensya at magazine nito, 51 piraso ng bala ng cal 5.56 at isang Daewoo caliber 9 MM pistol.

Hinalughog rin ng mga awtoridad ang bahay ni da­ting Vice Mayor Reynaldo Cachuela sa Brgy. Quezon at dating Vice Mayor Pacifico Monta ng Brgy. Saguing; pawang sa Talugtog, Nueva Ecija pero walang nasamsam na mga armas mula sa mga ito. Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa kasong ito.

AGRIMERO CRUZ JR.

BRGY

CHIEF SUPT

EXECUTIVE JUDGE ISMAEL CASABAR

JUDICIAL REGION

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA PROVINCIAL POLICE OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE INTELLIGENCE BUREAU

REGIONAL TRIAL COURT

TALUGTOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with