^

Probinsiya

Ex-NBI director pinabulagta

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang 74-anyos na retiradong regional director ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa kanyang tahanan sa Gallego Street sa Barangay Poblacion sa bayan ng Aguilar, Pangasinan noong Martes ng tanghali.

Napuruhan sa dibdib si Atty. Leonardo Jimenez Jr. matapos ratratin dakong alas-11:35 ng tanghali.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagbabasa ng dyaryo sa loob ng kanyang office na nasa kanilang bahay ang biktima nang pasukin at pagbabarilin ng malapitan.

Walang nagawa ang mga kawani ng biktima na nakasaksi sa krimen dahil sa matinding takot na madamay.

Lumilitaw na inakala ng ilang saksi na magpapanotaryo lamang ang isa sa dalawang lalaki na nagtungo sa kinaroroonan ng biktima.

Si Jimenez ay tumatayong administrator ng Zaratan Rural Medical Clinic kung saan doktora naman ang kanyang misis na si Dra. Fe Zaratan-Jimenez.

Isa sa anggulong sinisilip ng mga imbestigador ay ang alitan sa lupain dahil pagmamay-ari ng misis ni Jimenez ang 50-ektaryang lupain na nasa Isabela na may ibang personalidad ding umaangkin. Dagdag ulat ni Eva Visperas

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

CAMP CRAME

EVA VISPERAS

FE ZARATAN-JIMENEZ

GALLEGO STREET

LEONARDO JIMENEZ

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SI JIMENEZ

ZARATAN RURAL MEDICAL CLINIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with