31 nalason sa hotdog, itlog

MANILA, Philippines - Tatlumpu’t isang dancer na kalahok sa Hinulawan Festival ang iniulat na nalason makaraang kumain ng foot long hotdog at itlog sa kanilang almusal sa Toledo City, Cebu kamakalawa. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-7 at 8 ng umaga matapos na mag-almusal ang mga dancer. Nabatid na ilang oras matapos mag-almusal ay nakaranas ng pagsusuka, matinding pananakit ng ulo at tiyan ang mga biktima bunsod upang isugod sa clinic ng Cebu International Convention Center. Sa tala,  ang Hinulawan Festival ay ika-9 na showdown competition ng Pasigarbo sa Sugbo Festival na ginanap sa nabanggit na lugar.

Show comments