RIZAL, Philippines – Napagtripang pugutan ang isang 38-anyos na mason ng kanyang mga kainuman sa loob ng kubo sa Barangay Mayamot sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng umaga. Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuan ang katawang walang ulo ni Alfonso Altupena ng Xenia St., Greenheight Subd., habang tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Christopher Hugman, Judy Omero at isang alyas Joy. Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa mga suspek noong Lunes ng gabi kung saan kinabukasan na lamang nadiskubre ang krimen.