Holiday sa Bulacan
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Walang pasok sa Bulacan ngayong araw kaugnay ng pagdiriwang ng ika-433 taong anibersaryo nang pagkakatatag bilang lalawigan. Magsisilbi namang panauhing pandangal sa pagdiriwang si Senate President Juan Ponce Enrile na nagmula sa bayan ng Baliuag. Pangungunahan nina Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado, Vice Gov. Daniel R. Fernando at Sangguniang Panlalawigan ang pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Gen. Gregorio del Pilar, gayundin ang paghahawi ng tabing ng mga gawaing nakapaloob sa pagdiriwang ng Singkaban na siyang lundo ng programa. Ang pagdedeklara ng non-working holiday sa Bulacan ay batay sa Provincial Administrative Code of Bulacan, Chapter II, Section 14, Foundation Day. Ang nasabing probisyon ay kumilala sa pananaliksik nina Dr. Rey Naguit ng Bulacan State University at Dr. Jaime Veneracion ng University of the Philippines.
- Latest
- Trending