Paglilinaw: (3 batang warrior nasagip)
MANILA, Philippines - Ang tatlong bata na sinasabing ginawang mandirigma ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nasagip naman ng tropa ng militar sa liblib na bahgai ng Barangay Pungon sa bayan ng San Agustin, Surigao del Sur ay pawang walang katotohanan base sa isinagawang beripikasyon ng Council for the Welfare of Children. Kabilang sa mga batang warrior na binanggit sa ulat ng militar na lumabas na artikulo noong Hunyo 30, 2011 ay sina Reynaldo Jimenez, 12; Robert Jimenez, 10; at si Jefferson Galdiano, 10, sinasabing nirekrut ng grupo ni Alyas Ka Michi ng Guerilla Front 19 B NMRC para magtanim ng landmine laban sa tropa ng pamahalaan. Base sa Council for the Welfare of Children, ang tatlo na kasama ang ilang matatanda na nasagip ay nagtatanim ng kopra nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng militar at NPA rebs.
- Latest
- Trending