Mister dedo, misis grabe sa sakuna

MANILA, Philippines - Patay ang isang mister habang nasa kritikal namang kondisyon ang asawa nito makaraang magbanggaan ang mini dump truck at pampasaherong bus sa bayan ng Sariaya, Quezon noong Sabado ng umaga. Kinilala ni PNP Highway Patrol Group director P/Chief Supt. Leonardo Espina ang nasawi na si William Salud, driver ng mini dump truck (PPW183) habang nasa kritikal naman kalagayan ang misis nitong si Roxida Salud. Bandang alas-5:30 ng umaga nang magsalpukan ang trak at Supreme Bus (DWA 521) ni Armando Patasin sa Maharlika Highway sa Barangay Sto. Cristo. Lumilitaw sa imbestigasyon na nakipag-agawan ng linya ng bus  ang mini-dump truck matapos tangkain nitong mag-overtake sa isa pang sasakyan.

Show comments