^

Probinsiya

Navy todas sa sariling baril

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE, Philippines – Isang miyembro ng Philippine Navy (PN) ang nasawi matapos aksidenteng pumutok ang nililinis nitong armas sa loob ng kanilang tahahan sa Magallanes ng lalawigang ito. Agad na nasawi ang biktimang si PN3 Alberto Anciado, 36, may asawa, enlisted Philippine Navy at nakatalaga sa Presidential Security Group at nakatira sa Brgy. 5, nasabing bayan. Base sa ulat ng pulisya, bandang 3:10 ng hapon, habang nililinis umano ng biktima ang kaniyang service firearm na 9mm pistol nang makaramdam na naiihi siya kaya tumayo at naglakad papunta sa banyo habang hawak pa rin ang nililinis na baril. Pero aksidenteng nakalabit ng biktima ang gatilyo kaya biglang pumutok ang baril at minalas na masapol ang kaniyang ulo na agad niyang ikinamatay. Narekober ng pulisya ang nasabing baril at isang slug nito sa crime scene habang dinala naman sa Mabini Funeral Homes ang katawan ni Anciado upang isailalim sa awtopsiya upang makatiyak na walang foul play sa insidente.

vuukle comment

ALBERTO ANCIADO

ANCIADO

BRGY

ISANG

MABINI FUNERAL HOMES

MAGALLANES

NAREKOBER

PERO

PHILIPPINE NAVY

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with