Stude nagtampo sa ina, nagbigti

CAVITE, Philippines – Hindi nakayanan ng isang 20-anyos na working student ang tampo sa kanyang ina kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Francisco sa bayan ng General Trias, Ca­vite kamakalawa ng umaga. Bandang alas-11 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Hernani Morales na nakabitin sa loob ng palikuran ng kanilang bahay sa Pabahay 2000 Tropical Village. Ayon kay PO2 Jones Casahuran, huling namataan buhay ang biktima na malungkot na nakaupo at posibleng dinamdam ang hindi pakikipag-usap ng kanyang ina may ilang araw.

Show comments