Bunso tinodas ng kuya
ILAGAN, Isabela – Napaslang ang 24-anyos na karpintero matapos pagbabarilin ng kanyang nakatatandang utol kaugnay sa matinding away-pamilya sa Barangay Quitino sa bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa ng tanghali. Napuruhan sa dibdib si Reagan Bascos, 24, habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Ernesto Bascos 34, tricycle driver. Lumilitaw na sinugod ng biktima ang kanyang utol na naghahapunan kasama ang kanyang pamilya sa loob ng bahay. Matapos ang mainitang pagtatalo ay nagbunot ng itak ang biktima subalit naunahan siya ng kanyang kuya kay kamatayan.
- Latest
- Trending