^

Probinsiya

6 Dura-Dura Gang arestado

- Danilo Garcia -

CAINTA, Rizal  ,Philippines — Nalansag ng pulisya ang sinasabing grupo ng Dura-Dura Gang makaraang madakip ang anim nitong miyembro kabilang na ang kanilang lider kamakalawa ng hapon sa bayan ng Cainta, Rizal.

Kabilang sa mga kina­suhang suspek ay sina James Baldonza, 22, lider ng grupo; Ronnel Evangelista, 22; Brando Lasala, 22; Almar Ali, 30; Arnold Cutamura, 27, pawang nakatira sa Planters Village, Floodway, Brgy. San Juan, at si Alfredo Madronio, 45, ng Purok Mansanas, Taytay. Lumilitaw na biniktima ng grupo ang ilang pasahero ng jeepney kabilang na si Lilibeth Cruz na nata­ngayan ng P20,000. Istilo ng grupo na sumigaw na may dura ang damit ng isa sa mga pasahero saka sasamantalahing manggulo at pasimpleng pagnanakawan ang mga pasahero.

Sa follow-up operation ay nadakma ang mga suspek sa loob ng mall sa Cainta Junction.

vuukle comment

ALFREDO MADRONIO

ALMAR ALI

ARNOLD CUTAMURA

BRANDO LASALA

CAINTA JUNCTION

DURA-DURA GANG

JAMES BALDONZA

LILIBETH CRUZ

PLANTERS VILLAGE

PUROK MANSANAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with