Magkumpare tiklo sa droga

BULACAN ,Philippines  — Rehas na bakal ang hinihimas ng magkumpare na pinaniniwalaang nagtutulak ng bawal na droga matapos maaresto ng pulisya sa buy-bust operation sa Meycauayan City, Bulacan kahapon. Kinilala ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. ang mga suspek na sina Jover Pilares, 32, traysikel drayber, ng Brgy. Bayugo at Resty Dateles, 30, ng Brgy. Longos. Base sa ulat ni P/Supt. Eric Noble, nakumpiska sa mga suspek ang dalawang piraso ng plastic sachet ng shabu, cal.38 revolver na may bala, mga drug paraphernalia at P300 marked money na ginamit sa operasyon.

Show comments