^

Probinsiya

8 tiklo sa bus holdap

- Ni Boy Cruz -

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan ,Philippines  —Walong pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng robbery/holdup gang ang nasakote ng pulisya makaraang holdapin ang isang pampasaherong bus sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Bulacan Provincial Police Director P/SSupt. Fernando Mendez Jr. ang mga naarestong suspek na sina Martin Alves, 21; Isagani Rica, 20; Michael Ortiz, 18; Armando Roque, 18; Crispin Dakigan, 18; Miki Saculinga, 18; Mark Anthony Carriedo, 18 at isang menor- de-edad; pawang mga residente ng Sitio Tala, Brgy.Ma­laria, Caloocan City.

Base sa ulat ni P/Supt.Jesus Reyes, dakong alas- 10:30 ng gabi habang tinatahak ng Elena Transport Bus (TXG-813) na minamaneho ni Melanio Belardo ang kahabaan ng Quirino Highway, Brgy. San Manuel sa naturang siyudad ng pagsapit sa lugar ay magdeklara ng holdap ang mga armadong suspek.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang panghoholdap bago nagsitakas ang mga suspek tangay ang limang cell phone, isang laptop, mga alahas at P39,000 cash na nakulimbat sa mga biktima.

Agad namang nagsuplong sa himpilan ng pulisya ang mga biktima at nasakote ang mga suspek sa isinagawang pursuit operation.

vuukle comment

ARMANDO ROQUE

BRGY

BULACAN PROVINCIAL POLICE DIRECTOR P

CALOOCAN CITY

CRISPIN DAKIGAN

ELENA TRANSPORT BUS

FERNANDO MENDEZ JR.

ISAGANI RICA

JESUS REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with