2 nalasog sa bus

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Dalawa-katao ang nalasog ang katawan makaraang nasalpok ng pampasaherong bus ang traysikel sa Maharlika Highway sa bayan ng Echague, Isabela kahapon. Sinabi ng Victory Liner Bus driver na si Emeterio Cabalsa na hindi na niya nagawang iwasan ang traysikel ng dalawa na nang-agaw ng linya matapos mag-overtake sa isa pang kotse sa kahabaan ng highway. Ang bus ay patungo Maynila habang ang traysikel ay patungong direksiyon ng norte nang maganap ang head-on-collision. Napag-alamang humiwalay ang motorsiklo sa sidecar kaya nagkalasug-lasog ang katawan ng dalawa na ‘di pa natukoy ang pagkakakilanlan.

Show comments