^

Probinsiya

Armas, pampasabog naglaho sa kampo

-

IBA, Zambales, Philippines — Patuloy ang imbestigasyon ng binuong PNP task force group ng Zambales kaugnay ng pagkawala ng mga malalakas na kalibre ng armas, pampasabog  at iba pang mamahaling kagamitan mula sa Camp Conrado Yap.

Kasama sa iniimbestigahan ay ang dating Zambales PNP director na si P/Senior Supt. Rafael Santiago na naging whistle blower at witness sa naganap na dayaan noong 2004 presidential elections.

Ayon ay P/Supt. Nelson Sulit, hepe ng binuong Task Group Tingkap, nadiskubre ang pagkawala ng mga armas sa kampo ilang araw matapos maupo sa puwesto ang bagong PNP provincial director na si P/Senior Supt. Wendy Rosario noong Hulyo 29 na kahalili ni Santiago.

Kabilang sa mga armas na nawawala ay 11 M-16 Armalite Rifle, 10-personal computers, 7 pares ng Kevlar vest at helmets, 30 yunit ng e-bikes, mga explosive at detonating cords na kinumpiska sa Coto Mines noong nanunungkulan pa si Santiago.

Naging standard procedure na magkaroon ng imbentaryo kapag nagkapalitan sa pamunuan subalit hindi  na inabot si Santiago sa kampo para sa maayos na turnover.

Hindi rin sumipot si Santiago sa araw mismo ng turnover ceremony na dapat sana’y nakatakda noong Hul­yo 19 na sa halip lumantad ang huli sa publiko bilang saksi sa dayaan noong 2004 elections kung saan isa sa  kanyang iniuugnay ay si ex-PNP Chief at ngayo’y  Zambales Gov. Hermogenes Ebdane, Jr.

 “Ang imbestigasyon sa mga nawawalang armas at mga equipment sa kampo ay walang kinalaman sa kasalukuyang sigalot sa pagitan nina Santiago at Ebdane,” giit ni Sulit. Alex Galang at Randy Datu

vuukle comment

ALEX GALANG

ARMALITE RIFLE

CAMP CONRADO YAP

COTO MINES

HERMOGENES EBDANE

NELSON SULIT

RANDY DATU

SENIOR SUPT

TASK GROUP TINGKAP

WENDY ROSARIO

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with