Trader inutas sa school

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang isang 52-anyos na negosyante matapos pagbabarilin ng tatlong lalaki sa gilid ng Osmeña College sa Purok 1, Barangay Espinosa sa Masbate City, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Dario Amante samantala, sugatan naman ang estu­d­yanteng si Al Verano 21, ng P 4, Barangay Bagumbayan.

Samantala, nasakote naman ang mga suspek na sina Abet Aguillon 31, civil security officer sa munisipyo ng Mobo, Masbate; Rochelle Tusing, 20, sundalo ng Cafgu sa Barangay Del Carmen, Uson; at si Ronald Grimpolon, 22. Ayon sa police report, tinamaan ng ligaw na bala si Verano habang naglalakad. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments