MANILA, Philippines - Nakaalerto at patuloy ang isinasagawang relief operations ng lokal na Red Cross chapter sa Albay-Legazpi City sa 23 barangay sa bayan ng Oas kung saan sinalanta ng bagyong Juaning noong nakalipas na linggo.
Ayon kay Norwina Eclarinal, lider ng local Red Cross Emergency Response Unit, nagtayo na sila ng 3 bladder units para mamahagi ng inuming tubig sa 3,000 pamilya mula sa 23 barangay sa loob ng tatlong linggo.
Lumilitaw sa ulat na ang bayan ng Oas ay matinding sinalanta ni Juaning kung saan naapektuhan ang 53 barangay kung saan aabot sa 118 bahay ang nawasak subalit wala naman iniulat na nasawi o nasugatan.
Naunang namahagi ng relief goods ang Red Cross sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo kung saan nanatiling nakaalerto ang 143 volunteers sa nakaambang papasok na iba pang bagyo sa bansa.
Nakahanda na rin ang lahat ang relief supplies at life sabving equipmewnt kabilang na ang amphibian trucks, rubber boats at ambulansya sakaling sumiklab ang kalamidad.