Mag-asawa dinos-por-dos ng adik

CAVITE, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng isang mister habang malubha naman ang misis nito matapos hatawin ng dos-por-dos ng kanilang kapitbahay na sinasabing lango sa bawal na droga sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Alberto Gatdula habang sugatan naman ang misis nito na si Imelda Gatdula. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Nelson “Nognog” Sumanga ng Progressive Village sa Brgy San Nicolas. Ayon kay PO2 Joel  Butones Umali, nagpapahinga ang mag-asawa sa kanilang kubo nang isagawa ng suspek ang krimen. Pinaniniwalaang napagtripan ng suspek ang mag-asawa.

Show comments