9 Tunnel Gang arestado

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines  – Siyam-katao na pinaniniwalaang miyembro ng kilabot na Tunnel Gang ang inaresto ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Santiago City, Isabela, ayon sa pulisya kahapon.

Pormal naman kinasuhan ni P/Senior Supt Jaime Rivera, police provincial director ang mga suspek na sina Jesus Coplatin, lider ng grupo, ng Barangay Sillawit, Cauayan City; John Jhon dela Cruz ng Benguet province; Dennis Belmonte, 24, ng Santiago City, Isabela; Dennis Tipo, Cyril Manuel, Bryan Directo, Antonio Latawan, Thomas Moy-oy, at si Mark Payo na pawang nakatira sa Kalinga province.

Lumilitaw na tinangkang pasukin ng mga suspek ang San Manuel Multi purpose Cooperative sa bayan ng Aurora nang masabat ng pangkat ni P/Supt. Antonio Marallag Jr.

Napag-alaman na ang Coplatin Group na sinasabing gumagawa ng tunnel bago magsagawa ng modus operandi ang pa­ngunahing suspek sa magkakahiwalay na nakawan sa iba't ibang establisyemento ng Isabela.

Show comments