P1.4M pinsala sa fishkill
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 13- metriko tonelada na tilapia na nagkakahalaga ng P1.4 milyon ang sinalanta ng fish kill sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nagsimula ang fishkill noong Linggo ng Hulyo 24 hanggang kamakalawa.
Nagulantang na lamang ang mga operator ng palaisdaan matapos na maglutangan sa lawa ang tone-toneladang tilapia na agad namang ipinagbawal ng mga lokal na opisyal na ibenta sa merkado upang maiwasan ang food poisoning.
Nabatid na pitong fish cage operator ang naapektuhan ng fishkill kung saan nasa 56-cages ang sinalanta na pinaniniwalaang malakas na hangin at matinding init ang isa sa dahilan ng fishkill.
- Latest
- Trending