^

Probinsiya

2 dedo, 3 sugatan sa NPA attack

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Buong tapang na idinepensa ng mga ope­ratiba ng pulisya sa pamumuno ng babaeng hepe ang pagsalakay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kanilang himpilan na ikinasawi ng dalawang sibilyan habang tatlong iba pa ang na­sugatan sa bayan ng Trento, Agusan del Sur kahapon ng umaga.

Sa kabila ng nakararaming rebelde ay hindi nasiraan ng loob ang hepe ng pulisya na si P/Inspector Charity Galvez na idepensa ang kanilang himpilan sa tulong ng kanyang 20 tauhan at ng iba pang yunit ng pulisya.

“She courageously stood their ground and with the assistance of her personnel and from adjacent PNP units in the area successfully defended her station,” pahayag ni P/Chief Supt. Reynaldo Rafal, PNP director sa Caraga Region.

Isa sa mga nasawing sibilyan ay si Salvador Ralla Jr., striker sa inata­keng himpilan ng pulisya habang sugatan naman sina PO3  Mhel Hubo, PO1 Lazarte at ang kawani ng Agusan del Sur Provincial Treasurer’s Office na si Alexander Lagulao.

Lumilitaw na lulan ng tatlong sasakyan ang mga rebelde nang sumalakay kung saan nabigong ma­kubkob ang nasabing him­pilan bago umatras matapos mamataan ang rumes­pondeng tropa ng Army’s 401st Infantry Brigade.

Gayon pa man, nasabat ang mga rebelde ng mga elemento ng pulis-Josefa na nagsagawa ng blocking operation sa Crossing Cuevas kung saan muling nagkaputukan na ikinasawi naman ng isang sibilyan na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

vuukle comment

AGUSAN

ALEXANDER LAGULAO

CARAGA REGION

CHIEF SUPT

CROSSING CUEVAS

INFANTRY BRIGADE

INSPECTOR CHARITY GALVEZ

MHEL HUBO

NEW PEOPLE

REYNALDO RAFAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with