3 katao tiklo sa drug bust

BULACAN, Philippines – Tatlo-katao ang kalaboso mtapos madakma ng mga operatiba ng pulisya sa drug bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Meycauayan City, Bulacan kahapon. Pormal na pinakasuhan ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. ang mga suspek na sina Viser Gervacio 33, salesman/drayber, ng Brgy. Pandayan, Meycauayan City; Ruel Nocomura, 27, drayber ng Phil.Corinthian Bus, nakatira sa Brgy. Dalandanan; at Jimmy Baron, 47, ng Brgy. Malanday, Valenzuela City. Sa ulat ni P/Supt. Eric Noble, si Gervacio ay nadakma sa kanilang barangay kung saan nakumpiskahan ng ilang gramo ng shabu habang sina Nocomura at Baron ay naaresto sa Barangay Bancal kung saan nasamsaman ng ilan gramo ng shabu.

Show comments