^

Probinsiya

Zambales nag-panic sa tsunami alert

-

MANILA, Philippines - Nag-panic ang mga residenteng naninirahan sa dalampasigan sa bayan ng Iba , Zambales matapos na kumalat sa text messages ang pekeng tsunami alert sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Juaning sa bansa kahapon. Sa ulat na nakarating kahapon sa Office of Civil Defense, bunga ng insidente ay napilitang maglibot ang pulisya kasama si Iba Mayor Adhebert Deloso upang payapain ang mga nahin­takutang residente sa naturang munisipalidad. Ang pekeng impormasyon sa tsunami alert ay kumalat matapos naman ang paglindol ng 5.9 magnitude sa may 35 kilometro sa nasabing bayan dakong alauna y kinse ng madaling-araw. Samantala, tatlo pang paglindol ang unang naitala bandang alas-2:12 hanggang alas-3:34 ng madaling araw bunsod upang lalong mahintakutan ang mga residente. Dahilan sa matinding takot ay napilitan namang magsilikas ang mga residente at nanuluyan sa kanilang mga kamaganak  at mga kaibigan na naninirahan sa mas mataas na lugar. Nang makumpirmang pananakot lamang ang kumalat sa text messages ay nagsibalikan ang mga residente.

Joy Cantos at Randy Datu

vuukle comment

DAHILAN

IBA MAYOR ADHEBERT DELOSO

JOY CANTOS

NANG

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

RANDY DATU

RESIDENTE

SAMANTALA

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with