2 todas sa road mishap

CAVITE  ,Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi sa magkahiwaly na road mishap Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga namatay na sina Jordan Christopher Estrada, 25, ng Mercury Road Pilar, Las Piñas City; at John Paul Tornilla, 27, ng Addas 2, Imus, Cavite. Base sa police report, si Estrada na lulan ng motorsiklo ay nasalpok ng kotse (ZAG 441) ni Leonardo Rodriguez sa Barangay Sampalok 1 sa nasabing lungsod. Ayon kay PO2 Jesus Bae, si Tornilla na lulan ng pick-up (TEF 854) ay nasalpok naman ng kotse (UBF 371) ni Jeffrey Barqueros sa kahabaan ng Governor’s Drive sa Barangay Sampalok 4.

Show comments