2 tinedyer dedo sa kidlat

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Mataas na boltahe ng kuryente ang tumapos sa buhay ng dalawang tinedyer habang nalagay naman sa kritikal na kalagayan ang isang ama matapos tamaan ng kidlat sa bayan ng Carmona, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Ins­pector Armandi Dimabuyo, Carmona police chief ang mga nasawing magkaibigan na sina Mary Grace Sedante, 13; at Michael Miñosa, 15, kapwa naka­tira sa Sitio Patindig Araw, Barangay Milagrosa sa nasabing bayan.

Nasa kritikal na kondis­yon naman ang ama ni Mary Grace na si Ernie Sedante, 50, na naisugod sa Philippine General Hospital.

Lumilitaw na nakatayo ang tatlo sa tabi ng kanilang kubo nang gumuhit ang matalim na kidlat at tamaan ang mga ito habang nasa kasungitan ng panahon bandang alas-5 ng hapon.

Isinugod pa sa Pagamutang Bayan ng Carmona ang tatlo pero idineklarang patay ang magkaibigan samantalang inilipat naman si Ernie Sedante sa PGH dahil sa grabeng tinamo nitong sunog sa katawan.

Show comments