MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude-4.1 na lindol ang Mindoro sa bahagi ng Southern Luzon kamakalawa ng gabi. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang nasabing pagyanig ganap na alas-8:18 ng gabi at tectonic ang origin. Wala namang iniulat na nasaktan o nasirang mga ari-arian sa naturang pagyanig, sabi pa ng kagawaran. Nakita ang sentro ng lindol sa layong 30- kilometro sa hilagang silangang ng Mansalay sa Oriental Mindoro. Hindi naman agad natukoy ang lugar kung saan naramdaman ang naturang pagyanig.