KAMPO ALEJO SANTOS, Bulacan, Philippines – Walo-katao na pinaniniwalaang may mga nakabinbing kasong kriminal ang nadakma ng mga operatiba ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon kaugnay sa programang Wanted Ka Huli Ka para sa Oplan Munhunt Bravo sa Bulacan kamakalawa.
Kinilala ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. ang mga suspek na sina Tonton Turarde, Arjay Turalde ng Brgy. Bancal; Gregorio Dumigpi Jr. ng Brgy. Libtong, Meycauayan City; Joel Asnar ng Brgy. Bagong Buhay; Marcial Dauz ng Brgy.Muzon; Loreto Dipon ng Brgy.Minuyan 5, San Jose Del Monte City; Roy Benedicto ng Brgy.Lolomboy, Bocaue; at si Jean Nicolas ng Sitio Sulok, Brgy.Panginay, Balagtas.
Ang mga suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nina Judge Veronica De Guzman ng RTC Branch 9; Judge Cecilia Samtoyo-Talapian ng MTC Branch 2; Judge Oscar Herrera ng RTC Branch 20; Judge Rolando Bulan ng RTC Branch 77; Judge Pelaqgia Dalmacio-Joaquin ng MTC; Judge Alexander Tamayo ng RTC Branch 15; at si Judge Herminia Pasamba ng RTC Branch 81.