2 bulagta sa Laguna shootout

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines - Sinalubong ni kamatayan ang dalawang armadong lalaki matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Los Baños kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga napaslang na sina Braley Inway y Mendoza, 16, student, tubong Nueva Viscaya at Gilberto De Ocampo y Palis, 23, traysikel drayber, kapwa nakatira sa Barangay Tuntungin sa bayan ng Los Baños, Laguna.

Base sa police report, nakatanggap ng ulat ang himpilan ng pulisya kaugnay sa panggugulo ng dalawang suspek sa bahagi ng Barangay Batong Malake bandang alas-12:15 ng madaling-araw.

Nang rumesponde ang mga pulis, sumibad ang mga suspek hanggang sa magkahabulan at magkabarilan sa bisinidad ng APEC Road sa Sitio Buot, Brgy Tuntungin-Putho, Los Baños, Laguna.

Matapos mahawi ang usok ay duguang bumulagta ang dalawa kung saan narekober sa mga ito ang cal. 38 revolver, mga bala at granada.

Show comments