^

Probinsiya

Ina, 3 anak nasagip sa sadistang ama

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Nailigtas ng mga awtoridad ang isang 30-anyos na misis at tatlo nitong anak mula sa sadistang mister na umbagero noong Biyernes sa bayan ng Matanao, Da­vao del Sur.

Kinilala ang nasagip na si Salbiah Yusof, Indonesian, may mga bakas pa ng pasa sa katawan nang ma-rescue ng pulisya.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, sinalakay ng mga operatiba ng pulisya kasama ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development ang bahay ni Yusof at ng asawa nitong Pinoy na si Doming Danion.

Nagkataon namang umalis ang sadistang mister nang isagawa ang raid kung saan ay nasagip ang biktima at mga anak nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na nakilala ni Yusof ang suspek na nagtrabaho dati sa Indonesia at dumating sa nasabing lalawigan dala ang mga bata may walong buwan pa lamang ang nakararaan.

Ini-report naman ng mga kapitbahay sa mga awtoridad ang pisikal na pananakit ng suspek laban sa biktima kung saan expired na ang passport at itinurn-over ang kaniyang tatlong anak sa Indonesian Consulate sa Davao City.

Hinihintay naman ng pulisya na pormal na sampahan ng kaso ng misis ang suspek.

vuukle comment

BIYERNES

CAMP CRAME

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DOMING DANION

HINIHINTAY

INDONESIAN CONSULATE

SALBIAH YUSOF

YUSOF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with