Dalagita ni-rape, ginilitan sa leeg

SAN MIGUEL, Bulacan  ,Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang dalagita makaraang gahasain na ay gilitan pa ng leeg ng isang tricycle driver sa isang pampublikong sementeryo sa bayang ito kamakalawa ng gabi. Ang biktimang itinago sa pangalang Sharon, 13-anyos, estudyante residente ng Brgy. San Jose dito ay patuloy na isinasalba ang buhay matapos na isugod sa pagamutan ng ilang residente na nakakita dito habang duguang gumagapang. Nahaharap naman sa kasong rape with frustrated homicide ang suspek na si Gary Magbanua, 22- anyos, tricycle driver at manggagawa rin ng pastilyas, residente ng Brgy. Tipalas sa bayan ring nabanggit na positibong itinuro ng biktima. Base sa ulat na tinanggap ni Bulacan Provincial Director P/Sr.Supt. Fernando Mendez Jr., dakong alas-7:15 ng gabi ay nagpunta ang biktima sa isang paradahan ng tricycle at nagpahatid sa suspek sa kanilang bahay subali’t idineretso ang biktima sa loob ng sementeryo at doon hinalay. Hindi pa nakuntento ang suspek ay ginilitan pa ng leeg ang biktima, kinulimbat ang pera at mamahaling cell phone saka mabilis na tumakas.

Show comments