NUEVA ECIJA, Philippines – Dawalang mag-aaral ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwaly na sakuna sa Nueva Ecija kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina Desiree Rose Garcia, 6, ng Sitio Dupinga, Barangay Ligaya, bayan ng Gabaldon, Nueva Ecija; at John Mark “Mac-Mac” De Leon, 19, ng Barangay Mataas na Kahoy sa bayan ng General Natividad. Sa police report, lumilitaw na patawid sa kalsada si Garcia matapos bumaba ng jeepney nang mahagip ng van (UCM 953) ni Glen Mangubat, 31, ng Brgy. Aduas Norte, Cabanatuan City. Samantala, si Mac-Mac na nagmomotorsiklo ay sumalpok sa konkretong barrier ng highway noong Miyerkules ng madaling-araw.