3 katao todas sa sakuna

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi sa panibagong sakunang naganap sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Sitio Cagpagol, Barangay Lungib sa bayan ng Casiguran, Sor­sogon kamakalawa. Kinilala ang mga nasawi na sina Van Dominguez, 35; Jerry Ocampo, at Teodora Dalisay habang naisugod naman sa St. Peter and Paul Hospital ang mga sugatang sina Tenoria Liberato, 56; at Riza Custonio 23, pawang nakatira sa Batangas City, Batangas. Batay sa ulat ng pulisya, nahagip si Dominguez ng kotse ni Ocampo at Dalisay kung saan sumalpok naman ang sasakyan sa punungkahoy sa gilid ng highway. Nabatid na patungong bayan ng Matnog, Sorsogon ang grupo ni Ocampo mula sa Batangas.

Show comments