21-anyos nagbigti dahil sa depresyon

QUEZON, Philippines – Matinding depresyon ang isa sa motibo kaya nagpasalubong kay kamatayan ang isang 21-anyos na lalaki sa loob ng Lagrado Apartment, Leida Street sa University Site, Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga. Wala nang buhay nang matagpuang nakabitin sa rehas na bakal ng bintana si Jay Anton Magnaye. Batay sa imbestigasyon nina SPO3 Paul Pelaez at PO3 Aldin Ranola, bago isagawa ang pagpapatiwakal ay kinakitaan na ang biktima ng matinding depresyon. 

Show comments