^

Probinsiya

2 todas sa scuba diving

-

OLONGAPO CITY, Philippines – Nauwi sa trahedya ang masayang scuba diving course matapos na masawi ang dalawang dayuhang diver sa karagatan ng Subic, Zambales kahapon ng umaga. Unang narekober ang bangkay ni Shun Chuen Tin bandang alas-8 ng gabi sa lalim na 80 talampakan ng karagatan. Sumunod na narekober ang bangkay ng Amerikanong diving instructor na si Steve Brittain sa bahagi ng karagatang nasasakupan ng Subic kahapon ng umaga. Nagawa namang makaligtas ang isa pang kasamahan na si Chinese Fung Long Chow na nag-report sa mga awtoridad. Ayon sa ulat, noong Linggo (Hulyo 17) ay nagsagawa ng diving lesson si Brittain kay Tin sa lumang barko ng USS New York sa ilalim ng dagat pero kapwa nabigong makabalik sa kanilang tinutuluyan. Nabatid na na-trap si Tin sa bahagi ng shipwreck kung saan sinundan naman ito ni Brittian subalit nabigo ring makalabas sa area ng USS New York. Lumilitaw naman na ang poor visibility ang nagpalala ng pagkaka-trap sa dalawang scuba diver. Alex Galang, Randy Datu at Joy Cantos

ALEX GALANG

AMERIKANONG

AYON

CHINESE FUNG LONG CHOW

JOY CANTOS

NEW YORK

RANDY DATU

SHUN CHUEN TIN

STEVE BRITTAIN

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with