Cafgu detachment niratrat ng NPA

Manila, Philippines - Isa na namang miyembro ng Cafgu Active Auxiliary ang iniulat na napatay matapos ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army ang military detachment sa Barangay Doña Maxima sa bayan ng San Luis, Agusan del Sur kamakalawa ng umaga. Kinilala ang  nasawi na si Julito Ansing habang nasa kritikal namang kalagayan ang kasamahan nitong si Jun Torres. Base sa ulat ng pulisya, nag-iigib ng tubig sina Ansing at Torrres nang umatake ang mga rebelde.

Show comments