5-anyos inanod ng flashflood
Manila, Philippines - Isang 5-anyos na batang babae na pinaniniwalaang nasawi matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig-baha sa Cagayan de Oro City kamakalawa. Patuloy na pinaghahanap si Angel Inso ng Sitio Bantiles sa Brgy. Bugo. Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council bandang alas-9:15 ng gabi nang tangayin ng tubig baha ang bata. Napag-alamang biglang tumaas ang tubig at sa pagragasa nito ay isang malaking kahoy ang kasama sa pag-anod na tumama sa biktima. Dito nabuwal ang bata hanggang tangayin ng baha habang nakatulala at walang magawa ang kanyang mga magulang.
- Latest
- Trending