2 utas sa bike crash

BULACAN, Philippines  – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kalsadang sakop ng Barangay Manggahan sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga namatay na sina Angelino Santos, 48; at Kenn Sarondo, 17, habang sugatan naman si Jonathan Dela Cruz, 17, pawang nakatira sa Barangay Baka-Bakahan sa bayan ng Pandi, Bulacan. Ayon kay PO2 Rodel Alcantara, biglang tumawid sa kalsada ang motorsiklo ni Sarondo kaya nahagip ng motorsiklo ni Santos na kaangkas si Dela Cruz. Nabatid na kapwa walang helmet ang tatlong biktima habang nagmomotorsiklo.

Show comments