^

Probinsiya

Kano na-overdose sa gamot, dedo

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Pinaniniwalaang na-overdose sa pampalakas na tableta ang isang 52-anyos na Kano kaya nasawi sa loob ng inuupahan nitong apartelle sa Voyager Street, Barangay Doña Vicenta sa Davao City kamakalawa ng gabi.

Bandang alas-6:30 ng gabi nang matagpuan ng security guard na si Reyger Birondo ang bangkay ni David Harrison Lippmann, yoga instructor at mis­yonero, tubong Maryland, USA at pansamantalang nanunuluyan sa Door A-6, Mac Ville Apartelle.

Ayon kay SPO2 Nelson Ladua, huling namataan buhay ang biktima bandang alas-2 ng hapon kamakalawa.

Nabatid na sinamahan ni Pepito Algunas Mac, may-ari ng apartelle ang biktima sa Davao Doctor’s Hospital para magpa-checkup dahil sa pagdaing nito ng ma­tinding sakit ng katawan noong Hulyo 1.

Narekober sa kuwarto ni Lippmann ang pakete ng pampalakas na tableta  na posibleng na-overdose ang bitkima.

Nakuha rin sa pag-iingat ng biktima ang  last will testament, P5,850, cell phone, US passport at medical records.

Magugunita na nasawi rin sa ag-inom ng pampalakas ng tableta ang sumisikat na 14-anyos na rugby boy na si Shaun Jones noong Oktubre 21, 2008 sa Rhydyfelin, Pontypridd, Wales.

vuukle comment

BARANGAY DO

DAVAO CITY

DAVAO DOCTOR

DAVID HARRISON LIPPMANN

DOOR A

MAC VILLE APARTELLE

NELSON LADUA

PEPITO ALGUNAS MAC

REYGER BIRONDO

SHAUN JONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with