2 tiklo sa pamamaril sa brgy. chairman

BULACAN , Philippines — Dalawa-ka­tao na isinasangkot sa pamamaril sa barangay chairman ang nadakma ng pulisya sa magkahiwalay na barangay sa mga bayan ng San Miguel at San Ildefonso, Bulacan kahapon ng umaga.

Kinilala ang dalawang suspek na si Edwin Torres, 34, ng Brgy. Balite at Pablo Javier, 34, ng Brgy. Biclat.

Sugatan naman si Chairman Severino Macapagal, 58, ng Barangay Sapang.

Sa ulat ni P/Supt. Marcos Rivero kay P/Senior Supt.Fernando Mendez Jr. lulan ng sasakyan si Chairman Macapagal kasama ang kanyang misis nang ratratin ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Kahit sugatan ay gumanti ng putok si Macapagal kung saan tinamaan naman si Torres na naaresto sa gilid ng irrigation canal habang si Javier naman ay nadakma sa isinagawang follow-up operation. Boy Cruz at Dino Balabo

Show comments