Dengue nanalasa sa Batanes

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Naabot na rin ng dengue ang pinakadulo ng mapa ng bansa matapos maitala ang kauna-unahang kaso ng dengue na ikinasawi ng isang batang babae habang aabot naman 600-katao ang nadale sa Batanes, ayon sa ulat. 

Ayon kay Batanes Governor Vicente Gato, ang nasawing siyam na buwang gulang na sanggol ay kabilang sa 600-katao Ang tinamaan din ng dengue.

 “Her case was thought to be merely a case of fever and flu. However, when she started to show the symptoms of dengue, it was already too late,” pahayag ni Gov. Gato.

Nagdeklara na ng state of calamity sa bayan ng Sabtang dahil sa pananalasa ng dengue. 

Maging ang apat na bayan ng Batanes na nasa Isla ng Batan ay mahigpit din na binabantayan dahil sa dengue cases.

Dahil dito, nagpakalat ng ilang doctor at anti-dengue medicines sa nasabing lala­wigan sakay ng Navy ship mula sa Poro Point ng San Fernando City, La Union.

Show comments