Sekyu, mister nagbigti
MANILA, Philippines - Isang security guard at mister na hiniwalayan ng kanilang mga misis ang nagpakamatay sa pamamamagitan ng pagbigti sa magkahiwalay na lalawigan.
Nakabitin sa puno ng mangga sa kanyang pinagtatrabahuhan sa Zone 2, Brgy. San Felipe, Naga City, Camarines Sur ang biktimang si Lorenzo Macaraig, 54, ng Brgy. Balatas, Naga City kamakalawa ng hapon.
Nadiskubre dakong alas-11 ang bangkay ng biktima na nakalambitin nang hanapin na ito ng mga trabahador at supervisor upang mag time in na sa kanilang trabaho.
Samantala, posibleng dinamdam naman ni Nestor Cantoria, 56, ng Brgy. Bagahanglad, San Jacinto, Masbate ang pakikipaghiwalay ng kanyang misis kamakailan kung kaya’t ipinasya nitong mag-suicide. Nabatid na nadiskubre ang bangkay ng biktima ng kanyang kapitbahay na si Lindo Oraa, dakong alas-7 ng umaga.
Ayon kay Oraa, dinaanan niya ang biktima upang manguha ng kahoy subalit laking gulat niya nang makita ang sitwasyon ng kaibigan. Sinabi ni Oraa na naging malulungkutin ang biktima sa mga nakalipas na araw bago ito magpakamatay.
- Latest
- Trending