^

Probinsiya

2 dakma sa P.4M shabu

-

CAMARINES NORTE, Philippines — Kalaboso ang  dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang nagpapakalat ng bawal na droga makaraang maaresto ng pulisya at ilang opis­yal ng barangay sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Tugos sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Anwar Jacarta, 18; tubong Datu Paglas, Maguindanao at Gerund Encinas, 32, ng Purok 1, Brgy. Tugos sa nasabing bayan. Nasamsam sa mga suspek ang P.4 milyong halaga ng 6-plastic sachet ng shabu at ilang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana. Sa ulat ni P/Senior Supt. Antonio Gardiola Jr. provincial PNP director,  ipinapalaman sa tinapay ang shabu at marijuana para 'di-mapansin ng mga awtoridad ang kanilang modus operandi. Sa tulong ng ilang impormante ay naaresto ang mga suspek drug pusher sa bayan ng Paracale.

ANTONIO GARDIOLA JR.

ANWAR JACARTA

BARANGAY TUGOS

BRGY

CAMARINES NORTE

DATU PAGLAS

GERUND ENCINAS

KALABOSO

PARACALE

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with