SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Aabot sa P.750 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Solana sa Cagayan, ayon sa naantalang ulat kahapon.
Ayon kay P/Senior Supt. Mao Aplasca, Cagayan PNP director, posibleng nagmula sa kusina ng presinto ang apoy mula sa pinaglulutuang uling.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection dakong alas-11:30 noong Lunes nang sumiklab ang sunog kung saan nadamay ang isang rubber boat para sa rescue operations ng PNP. “The damage was estimated at around P450,000,” pahayag ni Aplasca batay sa ulat ni P/Chief Insp. Gabriel Mukay, hepe ng Solana PNP.
Subalit ayon naman sa Bureau of Fire Protection, ang pinsala ay umaabot sa P500,000 hanggang P750,000.