Obrero utas sa mag-utol

QUEZON, Philippines – Sabog ang ulo at namatay noon din ang isang 30-anyos na obrero matapos na pagbabarilin ng mag-utol na lalaki dahil lamang sa awayan ng kanilang mga anak kamakalawa ng umaga sa Barangay Concepcion sa bayan ng Lopez, Quezon. Napuruhan sa ulo si Vicente Losande y Clete habang tugis naman ng pulisya ang magkapatid na suspek na sina Romeo Clete y Borabo, 45 at Ronald Clete, 24. Ayon kay SPO4 Raul Paraiso, isang araw bago ang pamamaslang ay nag-away ang 10-anyos na anak ng biktima at anak ng isa sa mga suspek. Hindi nagustuhan ng mag-utol ang ginawang pananaway ng biktima sa bata na naging dahilan upang magtanim sila ng galit at isagawa ang krimen.

Show comments