Rapist arestado

QUEZON  ,Philippines — Nagwakas ang pagtatago ng isang miyembro ng Cafgu na  itinuturing na pang-sampu sa talaan ng mga most wanted person sa Quezon matapos na  maaresto ng pulisya sa bahagi ng Barangay del Rosario sa bayan ng Lopez, Quezon kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Marlon Pascor, 28, ng Barangay Vegaflor.

Base sa police report, dakong alas-9 ng umaga nang namataan ng mga awtoridad si Pascor na may nakabinbing warrant of arrest sa kasong rape na inisyu ni Judge Judge Manuel Salumbides ng Calauag Regional Trial Court Branch 53.

Show comments