Mag-utol dakma sa carnapping

CAVITE  ,Philippines  – Kalaboso ang mag-utol na lalaki na isinasangkot sa kasong carnapping makaraang madakma ng mga awtoridad sa bayan ng Bacoor, Ca­vite kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina John Arellano, 34; at Prince Ray Arellano, 26, kapwa nakatira sa Justinville Subdivision. Narekober sa mga suspek ang Nissan X-Trail (XMF 298) na pag-ari ni Normita Domingo ng Taguig City. Ayon kay PO3 Noel Peliña, kinarnap ang kotse habang nakaparada sa Command General Staff College sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Nagpakilalang pulis ang isa sa suspek matapos sitahin ng mga pulis habang lulan ng nasabing kotse.

Show comments